Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sekyu patraydor na niratrat

0 321

Patraydor na pinagbabaril ang isang guwardiya habang nagmamaneho ng motorsiklo sakay ang asawa’t anak, Lunes ng gabi sa Brgy. Sapang, Jaen, Nueva Ecija.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang nasawi na si Domingo Pecayo Pelimbirgo, 44, taga-Purok 5, Brgy. Niyugan, Jaen, Nueva Ecia.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pauwi na umano ang biktima, angkas ang misis na si Rosanna, 41, at 12-anyos na anak na babae nang mula sa likuran ay barilin ng salarin.

Naging mabagal umano ang pagpapatakbo ng biktima kaya’t nakadikit ang armado na mabilis tumakas patungong bayan ng San Antonio.

Inaalam pa ngayon ang posibleng motibo sa pamamaslang. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.