Abante Tonite Interactive

Sekyu sa Zambo todas sa pananaksak

By
9

ZAMBOANGA CITY — Patay ang isang security guard sa Zamboanga City matapos itong bayuhin ng saksak kahapon ng da­lawang lalaki habang nagbabantay sa kanyang puwesto.

Tadtad ng saksak ang katawan ng isang secu­rity guard na si Julius Morales nang ito’y matagpuan sa labas ng Ato­mic Solution. Ayon sa pulisya, nawa­wala ang wallet, cell phone at motorsiklo ni Morales at posibleng tinangay ng mga salarin.

Nakunan rin umano ng CCTV sa lugar ang krimen kaya pinagha­hanap na rin ng mga parak ang dalawang krimi­nal upang papanagutin sa pamamaslang kay ­Morales.