Abante Tonite Interactive

Selena Gomez, Grace agaw-eksena sa ‘Frozen 2’ world premiere

0 121

Agaw-eksena ang singer na si Selena Gomez, 27, at ang little sister niya na si Grace Teefey, 6. Dumalo ang magkapatid sa world premiere ng animated movie na “The Frozen 2” sa Dolby Theatre sa Los Angeles.

Terno pa ang suot nilang dalawa at mistulang frozen princess. Suot nila ang dress mula sa Marc Jacobs fall runway at ipinares sa kapa.

Bongga pa ang kanilang pagrampa sa red carpet habang magkahawak ang kamay. Talagang makikita kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa.

Siyempre, ang bida sa premiere night ay si Kristen Bell na siyang boses sa likod ng karakter na si Ana sa Frozen at si Idina Menzel na boses naman sa likod ni Elsa. (Ronaline Avecilla)