Abante Tonite Interactive

Selena nahiya sa sexy video

0 539

Napagdesisyunan ng singer na si Selena Gomez na hindi na magpaseksi sa kanyang mga music videos. Ibinahagi niya ito sa release party ng kanyang iHeartRadio album .

Nangyari ito matapos ipakita ang kanyang music video sa hi tsong na “Hands to Myself” .

Nahiya umano siya matapos i-play ang music video dahil nangako siya sa 6-year old sister na hindi na siya magpapaseksi pa.

Bukod pa dito, ikinwento rin niya kung paano siya nakakagawa ng musika kahit na nakararanas ng depresyon.

Paliwanag niya, “ I’m happy and a little confused still, but so happy I went through that. In order for the people to see I’m not a victim. I don’t need to act in the manner of always getting down at myself.”

Kaya naman labis ang kanyang excitement sa bagong album na lalabas na pinangalanang “Rare”.

Aniya, “I’m very, very excited more because of my fans. I think for me they’ve all walked through so much of it and I almost felt this was my gift because now you can understand what’s going on in my head a bit and I missed the connection music has.” (Ronaline Avecilla)