Abante Tonite Interactive

Selena nanghinayang kay Justin

By
1,818

Bumili ng mansion si Justin Bieber sa Canada worth $5M. Nalaman ng ex-girlfriend ni Bieber na si Selena Gomez ang tungkol sa Canadian mansion.

Ayon sa HollywoodLife, nasaktan si Selena dahil ang mansion na binili ni Bieber para sa fiancée na si Hailey Baldwin ay ang pangarap niyang mansion noong sila pa ni Bieber.

Sadyang pinagre-react ng social media si Selena hinggil sa relasyon ng ex-BF na ngayon ay engage na kay Hailey.

Anila, ang makitang engaged na sa iba ang da­ting boyfriend ay enough na kay Selena. Pero ang makitang bumili ng mansion si Bieber para sa pag-uumpisa ng buhay ng celebrity couple ‘pag kasal na ay masakit pa rin daw sa petite singer-actress.

Na-upset daw si Selena nang malamang sa Canada maninirahan ang couple after ng marriage. ‘Yun daw kasi ang pangarap ni Selena na kung sila ni Bieber ang nagkatuluyan, ang nais niya ay sa homeland ni Bieber manirahan.

Related Posts

Ayon sa HollowoodLife: “Selena is heartbroken at the news that Justin bought a huge new love nest for him and Hailey.”

Sambit pa ng source na malapit kay Selena: “It was not long ago that Selena hoped it would be her settling down with Justin in the countryside somewhere, away from the noise of Hollywood. That was her dream too, to raise a family in a big home by a lake with Justin and now that he is doing that with someone else it really stings. Justin’s new house is another clear sign to Selena that Justin is committed to his future with Hailey.”

Ang mansion ay nasa Ontario, Ca­nada. 9,000 square foot home na may four bedrooms, 6 baths, 3 fireplaces, a game room, a movie theater, and a three-car garage.

May boathouse din at may private lake access. Ang 101-acre property ay may private equestrian facility at private 5/8 mile race track.

Hindi nga masisisi si Gomez na maging ‘heartbroken’ kung ang biniling bahay ni JB para kay Hailey ay sadyang napaka­rangya.