Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Selfie lang, bawal istambay sa ‘white sand’

0 94

Maaari pa rin na makapag-selfie ang publiko sa bahagi ng Manila Bay na nilagyan ng artipisyal na white sands, gayundin ang paglalakad sa Baywalk.

Ito ang nilinaw ni P/Lt.Col. Alex Daniel, bagong hepe ng Manila Police District-Police Station 5, pero hindi umano pwedeng pumasok ang publiko sa loob ng bahagi na may buhangin. Aniya, “Maaari naman silang mag selfie dun, pero hindi pwede ang grupo-grupo at kailangan ay sandali lamang sila sa lugar. Maaari din naman silang dumaan sa sidewalks kaya lamang ay hindi sila puwedeng umistambay.”

Una nang hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno na pansamantala munang ipasara ang Manila Bay white sands area para mapigilan ang pagdagsa ng publiko sa gitna ng banta ng COVID19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.