Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Selfie, tambay sa mga botohan bawal – Comelec

0 68

Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko, lalo ang mga boboto sa Mayo 9, na bawal gamitin ang kanilang cellphone sa loob ng mga polling precinct.

Babala ni Commissioner George Garcia na maaaring mapalabas ng polling precinct ang isang botante kapag ginamit ang kanyang cellphone sa pagboto.

“Outside, pagkatapos [bumoto] puwede mong ipakita na you are inked. While inside, let’s refrain because that’s a formal thing that is happening. There are several rules and regulations inside,” sabi ni Garcia.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inabisuhan rin niya ang mga botante na umuwi agad pagkatapos bomoto at huwag nang magtagal sa mismong polling precinct dahil may banta pa rin ng COVID-19.

“‘Wag ninyo pong i-underestimate `yong protocol ng Comelec. Siyempre po maghihigpit ngayon ang Comelec at baka after ninyong bumoto ay kayo ay palalabasin na para kayo’y makauwi na. Hindi na kayo pwedeng magpatambay-tambay sa loob at magkuwentuhan kung sino ang pinagboboboto ninyo at hindi ninyo binoto,” ani Garcia. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.