Abante Tonite Interactive

Seloso si Juan Luna

12

Ang Araw ang pinakamalapit na bituin sa ating planeta na may distansyang 93 milyong milya. Ang sumunod na pinakamalapit sa Earth ay ang bituing Proxima Centauri na may layong 4.3 light years.

***

Gaano kalaki ang araw? Sa isang simpleng paliwanag, magkakasya ang 1,000 Earth sa loob ng Jupiter at ang Araw naman ay kayang pagkasyahin ang 1,000 Jupiter sa loob ng sphere nito.

Abante Hiring – IT dep

***

Ang selosong baya­ning si Juan Luna ay mahilig ipinta ang kanyang mahal na asawa. Ayon sa kasaysayan, pinagbinta­ngan ni Luna na may kalaguyo ang asawa nitong si Paz na nagngangalang Monsieur Dussaq. Dahil sa sobrang galit ni Luna ay napatay niya ang kanyang asawang si Paz pati ang kanyang biyenang babae noong September 23, 1892.

Pinawalang sala rin si Luna dahil itinuring itong ‘crime of passion’ ng korte.

Related Posts

***

Ang unang same sex marriage sa Pilipinas isinagawa noong Feb. 4, 2005 ng New People’s Army. Sina Ka Andres at Ka Jose ay ikinasal sa harap ng kanilang mga kasamahan, lider at mga malalapit na kaibigan. Sa buong seremonya na kasal ay magkahawak sila ng kamay at may bala naman ng baril sa kabilang kamay bilang simbolo na kanilang pakikibaka laban sa mapanupil na pamamalakad ng gobyerno.

***

Isang aso ang pangalan ay ‘Serging’ na ng kalaunan ay pinalitan sa alyas na ‘Avante’ ang binigyan ng award dahil sa kabayanihang ipinamalas nito ng mamatay si Magsaysay sa isang plane crash noong 1957.

Si Avante kasama ang kanyang among si Marcelino Nuya ay malaki ang naitulong upang maligtas ang nag-iisang survivor na si Nestor Mata mula sa bumagsak na eroplanong ikinamatay ng noo’y Presidente ng Pilipinas na si Ramon Magsaysay.

Dahil dito’y binigyan sila ng medalya mula sa Philippines Constabulary at ibang sangay ng gobyerno. Ang asong si Avante ay pinarangalan din ng iba’t ibang animal rights group.