Abante Tonite Interactive

Semana Santa sasabayan ng taas presyo sa langis

305

By Armida Rico

May nakaamba na namang taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong Semana Santa.

Ito ang abiso kahapon ng ilang kompanya ng langis sa bansa.

Ayon sa Jetti Petroleum, ang dagdag presyo ay maglalaro sa 50 hanggang 55 sentimo kada litro ng diesel samantalang nasa 90 hanggang 95 sentimo naman ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Katulad ng dati, idinahilan sa taas presyo ng mga produktong petrolyo ang paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Noong nakaraang linggo lamang ay nagpatupad din ng taas presyo ang mga kompanya ng langis.