Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sementeryo, kolumbaryo pinasara ni Isko

0 73

Lahat ng pampubliko at pribadong memorial parks, sementeryo at mga columbaries na nasa Lungsod ng Maynila ay ipasasara ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Sa kanyang Facebook Live broadcast, inanunsiyo ni Moreno na nilagdaan niya ang Executive Order No. 38 na nag-aatas na pansamantalang ipasara ang mga pasilidad alinsunod sa General Community Quarantine (GCQ) protocols sa panahon ng Undas.

Sa ilalim ng EO ni Moreno, tanging ang paglilibing at cremation services ang pinapayagan pero dapat ay istriktong susundin ang social distancing. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.