Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sementeryo sa Maynila guwardiyado ni Isko

0 89

Pinahihigpitan na ni Manila Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso ang pagbabantay sa Manila North Cemetery (MNC) at Manila South Cemetery (MSC) sa mga susunod na araw dahil sa pangamba na dumagsa ang mga taong bibisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon kay Moreno, magiging istrikto ang monitoring sa mga sementeryo mula Oktubre 15 hanggang Nobyembre 4.

Kasabay nito, nanawagan si Moreno na huwag bumisita ng `last minute’ ang publiko sa kanilang mga mahal sa buhay sa halip ay gawing mas maaga ang pag-aalay ng mga bulaklak at kandila sa mga namayapang kamag-anak.

Sinabi ni Moreno na kinakailangang masunod ang physical distancing at walang magaganap na mass gatherings para maiwasan ang posibleng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinaalalahanan rin niya ang mga mamamayan na magsuot ng face masks at face shields para protektado laban sa virus. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.