Abante Tonite Interactive

Semirara-Consunji pinasara

170

Sinuspinde ng Department of Energy (DOE) ang lahat ng pagmimina ng Semirara Mining and Power Corp. ng mga Consunji sa ilalim ng Coal Operating Contract No. 5 nito.

Ayon sa Semirara Mining, natanggap nila ang liham ng DOE na may petsang November 14, 2019, Martes nang hapon. Ang bagong direktiba ay nag-ugat sa landslide at mudflow na nangyari sa Semi­rara Island sa Antique noong October 2 kung saan natabunan ang equipment nito kasama ang taong nag-o-operate nito.

Ayon sa utos ng DOE, ‘effective immediately’ ang utos na isuspinde ang operations ng Semirara mi­ning at mananatili ang suspension hanggang sa matupad nito at maisaayos ang problema sa Casay Lake malapit sa Molave Pit dahil nilalagay nito sa peligro ang marami. Kailangang ipasuri ng Semirara Mining ang lugar at magsumite ng plano kung paano nito aalisin ang peligro.

Pinagagawa rin ang Semirara ng geo-hazard assessment sa lahat ng minahan nito sa lugar at maglatag ng solusyon para mabawasan ang peligro tulad ng landslides, mudflows, pagbaha, liquefaction at iba pa na kailangang ipa-apruba sa DOE. Kailangan din ng Semirara Mining na suriin ang health and safety program nito na dapat ay may component ng hazard identification and assessment, ha­zard prevention and control, program evaluation and improvement and coordination and communication.

Pinabubuo ng DOE ang Semirara Mining ng safety department para punan ang mga kakulangan nito at bumuo ng kakayanan para sa isang health and safety program na aprubado ng DOE at maglaan ng pondo para rito.

Sabi ng Semirara Mining, inaayos na nito ang mga requirements ng DOE at naniniwala sila na mu­ling makapagmimina at makakabalik ang kanilang operasyon.

Marami ng insidente nang pagkasawi ang nangyari sa Semirara Island sa Antique kung saan noong 2013, lima ang namatay habang lima ang nawawala dahil sa landslide habang noong 2015 biglang gumuho ang pader ng open pit mine na ikinamatay ng 6 katao habang tatlo ang nawawala. (Eileen Mencias/Juliet de Loza-Cudia)