Abante Tonite Interactive

Semirara-Consunji worker nahukay sa landslide

257

Narekober na ang mga labi ng machine operator ng Semirara Mining and Power Corporation (SMPC) sa kanilang pasilidad sa Antique na naiulat na nawawala makaraang magkaroon ng landslide noong Oktubre 2.

Dakong alas-4:15 ng hapon noong Biyernes nang matagpuan ng search and rescue personnel ng SMPC, na pag-aari ng pamilya Consunji, ang naaagnas nang bangkay ni Pepito Andapat, 39, sa Molave mine pit, ayon sa pulisya.

Unang iniulat ng SMPC ang pagkawala ni Andapat noong Oktubre 2 makaraang mangyari ang landslide sa nasabing mining pit dakong ala-1:05 nang madaling-araw.

Nagmamaniobra umano si Andapat ng power shovel excavator nang mangyari ang insidente.

Iniimbestigahan naman ng Department of Energy (DOE) ang insidente.