Abante Tonite Interactive

Sen Go ‘di na bago ang pagtulong

129

Nilinaw ni Sen. Bong Go na ang pagdalaw at pagtulong sa mga biktima ng sunog at kalamidad na matagal na niyang pangako at ginagawa.

Ayon kay Sen. Go, bago pa man ang election ay ipinangako niya na kapag siya ay nanalo ay dadalhin at ilalapit niya ang serbisyo ng gobyerno sa mga nasalanta ng sunog, bagyo, lindol at iba pang kalamidad.

“Wala pong pamumulitika ang pagtulong ko sa mga biktima, bagkus ito ay naipangako ko noong hindi pa ako Senador na kailangan kong tuparin,” Ani Go.

Ayon pa sa bagitong Senador mula sa Davao City, tapos na ang eleksyon at malayo pa ang susunod na halalan kaya trabaho lang ang kanyang ginagawa.

“Pamumulitika ba ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno sa mga taong nasunugan, binagyo at nilindol? ‘Di ba trabaho talaga ng taong gobyerno ‘yan” Hirit pa ni Go.