Abante Tonite Interactive

Sen Recto, Ate Vi magka-level na

457

Magka-level na ngayon ang mag-asawang sina Senador Ralph Recto at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

Ito’y matapos na ihalal ang actress-politician bilang isa sa deputy speaker ng Kamara.

Sa plenary session nitong Martes, itinulak ni Senior Deputy Majority Floor Leader Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang pagluklok kay Santos-Recto at dalawa pang mambabatas bilang deputy speaker ng Kamara.

Inaksyunan naman ng presiding officer, si Deputy Speaker Johnny Pimentel ang mosyon ni Remulla.

Sa pagkakahalal kay Santos-Recto bilang deputy speaker, kapantay na niya ang asawa niyang si Ralph Recto na siyang Senate President Pro-Tempore. (JC Cahinhinan)