Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sena, Gotladera pasok sa SMB

0 98

Pinatangkad at pinalakas ng San Miguel Beer ang frontcourt sa pagkuha kina veteran free agents James Sena at Alfonzo Gotladera para sa 46th PBA Philippine Cup 2021 sa susunod na buwan.

Tig-isang taon o season ang nilagdaan ng dalawa para maging kapalitan ni six-time MVP June Mar Fajardo.

“Naghanap kami ng big men na available in the market. We’re looking for experience din and at the same time, ang isa youth. Sakto naman meron kaming nakuha,” pagkukumpirma Miyerkoles ni Beermen team manager Gelacio Abanilla.

Nakawalong taon na sa pro league ang 32-year-old at 6-foot-5 na si Sena na huling naglaro sa Blackwater noong 2019.

Taong 2016-18 sumalang sa NLEX ang 29-anyos at may taas ding 6-5 na si Gotladera. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.