Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado: Balik-eskuwela praktisin na

0 278

Isinulong ng ilang senador ang pilot testing ng face-to-face classes para makasanayan na ito at maging handa na sa oras na pumayag ang gobyerno na ipagpatuloy ang physical classes.

Sa pagdinig ng Senate committee on basic education, sinabi ni Senador Francis Pangilinan na ang kailangan lang ng Department of Education (DepEd) ay bawasan ang bilang ng mga paaralan na magsasagawa ng dry run ng face-to-face classes.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, nasa 1,065 na paaralan o lima kada school division ang napili nila para sumali sa face-to-face classes pilot run.

Katumbas ito ng dalawang porsiyento o 47,000 public school sa bansa.

Sinuportahan naman nina Senador Sherwin Gatchalian, chair ng komite, at Senador Pia Cayetano ang dry run subalit para sa limitadong mga lugar lamang. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.