Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado bibili na rin sariling vaccine

0 56

Balak ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso na bumili na rin ng bakuna laban sa COVID-19 para maturukan ang kanilang mga empleyado at pamilya ng mga ito, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

“Yes, nakuha natin ang idea sa House of Representatives,” pahayag ni Zubiri sa panayam sa radyo.

SM food to go Banner Ad

“I don’t think there’s anything wrong with that, ginagawa na `yan ng LGU [local government unit]. Para makabalik din kami sa normal sa Senado kung nabakunahan na po ang kanilang staff at pamilya back to normal na kami. Puwede na kami face-to-face napakahirap kasi gumawa ng batas via Zoom, mahirap interventions `pag online,” sabi ni Zubiri.

Hindi binanggit ni Zubiri kung magkano ang inilaang pondo ng Senado para sa COVID-19 bakuna. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.