Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado dinikdik BSP sa BDO, Unionbank hacking

0 73

Sinang-ayunan ni Senador Grace Poe ang desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patawan ng sanction o parusa ang BDO Unibank Inc. at Union Bank of the Philippines kaugnay sa `Mark Nagoyo’ hacking na nangyari noong Disyembre 2021.

“Ang ginawang pag-anunsyo ng BSP ng pag-sanction nito sa mga nabanggit na bangko ay nararapat lamang,” pahayag ni Poe, chairperson ng Senate committee on public services committee.

Subalit binigyang-diin ng senador na mas mabuti kung ilalantad ng BSP kung anong partikular na parusa o aksiyon ang ginawa ng pamahalaan upang makatiyak ang mga konsyumer na sapat ang kanilang proteksyon sa mga ganitong insidente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Umaasa ang mga depositor ng buong pananagutan nila para sa mga danyos at nawalang halaga,” sabi ni Poe.

Nauna rito, inanunsiyo ng BSP ang desisyon ng Monetary Board na patawan ng parusa ang mga naturang bangko dahil sa nangyaring hacking noong 2021. Subalit hindi inihayag ng BSP kung anong parusa ang ipinataw sa BDO at Unionbank.

Giit ni Poe na ang paglalatag at pagbubukas ng detalye ng naturang parusa at hakbang na ginawa ng pamahalaan ay makatutulong upang ganap na magtiwala ang publiko.

“Ang malalim na tiwala ng publiko sa integridad ng sistema ng mga bangko ay mahalaga sa pagbangon ng ating ekonomiya,” ani Poe. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.