Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado doble kayod sa budget

0 90

Todong trabaho ang gagawin ng mga senador para lamang maipasa ang panukalang P4.5 trillion national budget para sa 2021.

Ito’y matapos na magpatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte para maiwasan ang reenacted budget ngayong kinakailangan ng gobyerno ang pondo para matugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson, hindi rin nila puwedeng basta na lamang aprubahan ang bersyon ng 2021 General Appropriations Bill na ipapasa sa kanila ng Kamara.

“Siyempre titingnan namin ang singitan. Ngayon pa lang marami na, sa NEP pa lang marami na kami nakita. Ako dami kong nakitang questionable, ang lump sum tapos naulit ang appropriations,” ani Lacson.

Sinabi naman ni Senate President Vicente `Tito Sotto III na malamang walang reenacted budget subalit huwag lamang aniyang magkakaroon ng problema sa bicam kung saan mag-uusap ang mga kinatawan ng Senado at Kamara para sa pinal na bersyon ng budget bill.

Leave A Reply

Your email address will not be published.