Abante Tonite Interactive

Senado hati sa medical marijuana

183

Hati ang mga senador sa panukalang ga­wing ligal ang paggamit sa marijuana bilang gamot.

Ito’y sa kabila ng pagpabor ng Dange­rous Drugs Board (DDB) sa panukalang payagan ang paggamit ng cannabidiol (CBD) na sangkap ng cannabis o marijuana sa pagpapakalma sa sakit na epilepsy.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, kaila­ngan munang amiyendahan ang kasaluku­yang batas para payagan ang paggamit nito bilang paggamot sa sakit tulad ng epilepsy.

“The DDB cannot usurp the power of Congress to legislate since there is an exis­ting Dangerous Drugs Act that prohibits its use. Therefore, there is need to amend the e­xisting law to allow its use even for medicinal purposes,” reaksiyon ni Lacson.

Pabor naman dito si Senate President Vicente Sotto III basta’t natutukan ito ng DDB at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“It’s already allowed in the compassionate use idea in the Dange­rous Drugs Act. As long as its monitored and permitted by the DDB-PDEA,” ani Sotto.

Para naman kay Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, kailangan mapatunayan na may ‘medical benefits’ ang marijuana bago pa­yagan ang paggamit nito. (Dindo Matining)