Abante Tonite Interactive

Senado hindi uurungan ni Bong Go

By
1,797

Walang atrasan at haharapin ni Special Assistant to the President Bong Go ang mga nag-aakusa at naninira sa kanya tungkol sa usapin ng Navy frigate acquisition issue.

Partikular na tinukoy ni Go ay ang nakaambang imbestigasyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa eskandalo sa bilyong kontrata sa Philippine Navy.

“Kung ipatawag man ako ng Senado hinggil sa frigate issue, dadalo ako. Anywhere, anytime I’m willing to face the accusers,” pagbibigay-diin ni Go.

Abante Hiring – IT dep

Iginiit pa ni SAP Go na mali at malisyoso ang mga ibinibintang sa kanya dahil wala siyang alam tungkol sa frigate issue.

“The accusations are false. Wala akong tinatago. Wala akong tinataguan at wala po akong alam hinggil sa issue na ‘yan,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Go na handa niyang harapin sa korte maging sa Senado ang mga taong naninira sa kanya.

Una nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana at dating Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Ronald Joseph Mercadona na hindi nakialam at nang-impluwensya si Go sa usapin ng navy frigate issue.

Hinamon din maging ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nag-aakusa kay Bong Go na maglabas ng ebidensya at hihilingin niya itong magbitiw sa puwesto.