Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado ibigay sa mga bago at karapat-dapat magbalik

0 157

Aabot sa 64 mga kandidato sa Senado ang maglalabo-labo sa 12 posisyon sa 19th Congress.

Ito ay dahil magtatapos sa 2025 ang 6 year termino ng mga kasalukuyan pang senador na sina Sonny Angara, Nancy Binay, Pia Cayetano, Ronald dela Rosa, Bong Go, Lito Lapid, Imee Marcos, Koko Pimentel, Grace Poe, Bong Revilla, Francis Tolentino, at Cynthia Villar.

Ang 12 pang nahalal noong 2016 at nasa last term na ay sina Senate President Vicente Sotto III, Senators Ralph Recto at Franklin Drilon.

Sina Senador Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, at Francis Pangilinan naman ay maari pang mag- reelection pero mas pinili nilang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Reelectionist naman sina Senador Joel Villanueva, Risa Hontiveros, Richard Gordon, Leila de Lima, Sherwin Gatchalian, at Miguel Zubiri.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga nagbabalik-Senado naman ay sina Sorsogon Governor Francis Escudero, Antique Lone District Representative Loren Legarda, Taguig-Pateros Representative Allan Peter Cayetano, dating Department of Information and Communications Secretary Gregorio Honasan, magkapatid na Jinggoy Estrada at JV Ejercito, at si dating Senador Antonio Trillanes IV.

Sa mga nabanggit na mga kandidato sa Senado ay 17 ang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte, lagpas sa kailangang 12 sa 19th Congress kaya matinding paghihimay ang gagawin ng mga taga-suporta ng Pangulo para masunod ang hiling nitong talunin ang mga nagbabalik-Senado lalo na ang mga tamad at puro ngawngaw lang ang ginagawa.

Dagdag sa 64 maglalaban-laban sa Senado ay sina dating PNP Chief Guillermo Eleazar, public health advocate Dra. Minguita Padilla at dating Agriculture at Mindanao Development secretary Emmanuel ‘Manny’ Piñol na pawang nasa tiket ni independent presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Kung isasama ang mga pambato ng Team Lacson sa 12 maluluklok sa Senado sa Mayo masusubukan natin ang husay ng mga bago at nagbabalik. Pero sa ganang akin, bakit hindi natin subukan ang mga bago dahil sariwa pa sa ideya ang mga ito hindi kagaya ng ilan sa mga nagbabalik na hanggang kampanya lang aktibo pero kapag nakabalik na sa Senado ay wala ka namang mahitang buting gagawin para sa bayan kundi pansariling interes lamang ang habol kaya pilit na kumakapit sa kapangyarihan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.