Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado inaprub paghati sa Maguindanao

0 197

Inihayag ni Senador Ramon `Bong’ Revilla Jr. na lusot na sa ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang batas para hatiin ang lalawigan ng Maguindanao.

Kabilang si Revilla sa co-author at co-sponsor ng panukala.

“Ang araw na ito ay maitatala sa mahalagang kasaysayan nang pagsisikap ng ating mga kapatid sa Maguindanao na magkaroon ng mas epektibo at matatag na pamamahala sa kanilang lalawigan,” pahayag ng senador.

SM food to go Banner Ad

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon na ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur kapag ganap na itong naging batas.

Sinabi pa ni Revilla na sinikap niyang maging kabahagi ng tagumpay ng panukalang ito na sama-sama umano nilang pinagtulungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.