Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado inaprub PhilHealth, P1K cash aid sa solo parent

0 203

Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang isang panukala na nagpapalawak sa mga benepisyo at coverage sa ilalim ng kasalukuyang Solo Parents Welfare Act.

Sa botong 22-0, ipinasa ng Senado ang Senate Bill No. 1411 o panukalang Expanded Solo Parents Welfare Act.

“The Senate has come together to lift up an invisible and marginalized segment of our population,” ani Senadora Risa Hontiveros, sponsor ng panukala at chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng SB 1411, magkakaroon ng awtomatikong PhilHealth coverage at may probisyon na P1,000 buwanang cash subsidy ang mahihirap na solo parent. Ang mga kuwalipikadong solong magulang at mga anak nito rin ay puwedeng sumali sa apprenticeship program sa ilalim ng TESDA.

Pinalawak din ng panukala ang ibig sabihin ng “solo parent” kung saan isasama ang “wife” at “husband” ng low o semi-skilled overseas Filipino worker, tulad ng construction worker, factory worker at domestic worker na nagtatrabaho sa ibang bansa nang 12 buwan o higit pa. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.