Abante Tonite Interactive

Senado inisnab ng mga NTC executive

0 451

Oobligahin ng Senado na dumalo ang mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC) sa susunod na pagdinig sa franchise bill ng ABS-CBN matapos isnabin ang imbitasyon nila kahapon, Mayo 19.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, hindi katanggap-tanggap ang ginawang pag-isnab ng mga NTC official sa pagdinig ng Senado sa prangkisa ng network.

“I believe using such a reason that there is a pending case to evade or avoid a congressional hearing is unacceptable,” sabi ni Pangilinan.

“Otherwise, given all the cases that are pending in various courts against government agencies or its employees, they will all invoke sub judice in order to avoid attending Senate hearings,” dagdag nito.

Ayon naman kay Senador Sherwin Gatchalian, nanguna sa pagdinig ng franchise bill ng Kapamilya network, nagpadala naman ng liham ang mga opisyal ng NTC at iginiit ang sub judice rule na dahilan ng kanilang hindi pagdalo.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ‘irregular’ ang pagtanggi ng mga opisyal ng NTC na dumalo sa pagdinig ng Senado.

“They may invoke the right not to answer on sub judice issues when the issue per se entails the case filed with the Supreme Court,” ani Zubiri.

“We still have to ask the regulator if they interpose any objection on the issuance of a new franchise to ABS-CBN,” dagdag nito.

Tiniyak naman ni Gatchalian na oobligahan nila ang mga opisyal ng NTC na dumalo sa susunod na pagdinig ng Senado sa franchise bill ng ABS-CBN.

“We will mandate them to appear in the next hearing. I do agree that there are administrative matters and procedural matters that could be answered and should be answered by the NTC,” saad nito.(Dindo Matining)

Tonite – Wendys Inhouse Ad