Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado kinuwestiyon ng SC sa pagkalaboso kay Ong

0 75

Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Senado na magpaliwanag kaugnay sa inihaing petisyon ni Linconn Ong, director ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na kumukuwestiyon sa patuloy na pagdetine sa kanya sa Senate building sa Pasay City matapos na i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee.

“As per Chief Justice Alexander Gesmundo, the respondents in the petition filed by Linconn Ong were required by the Court to file their comment to the main petition and prayer for TRO (temporary res­training order),” ayon kay SC spokesman Brian Keith Hosaka.

Nabatid na binigyan ng SC ang Senado ng 10 araw para magpaliwanag.

Una nang inaresto si Ong noong Setyembre 21 sa kanyang bahay habang dadalo sa pagdinig ng Senado kaugnay sa umano’y overpriced at maanomalyang pagbebenta ng medical equipment ng Pharmally sa gobyerno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.