Abante Tonite Interactive

Senado malaya kahit manalo mga bet ni Digong

456

Iiral pa rin ang check and balance sa Senado kahit pa mga kaalyado ng administrasyon ang karamihan sa mga nangunguna ngayon sa bilangan sa katatapos na midterm election.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa kasaysayan ng Senado ay nanatili itong independent at walang naging pangulo ng bansa na nanghimasok o nakia­lam sa mga panloob na usapin at aksiyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

“The history of the Senate shows members of that chamber independent ever since. No Senate has ever been under any president, they always rise above parties and considera­tions when issues involve national interest, national security and the interest of the Fi­lipino people,” ani Pa­nelo.

Malaya rin aniya ang mga kaalyadong senador na kumontra lalo na sa mga isyung may kinalaman sa mga batas na dapat maipasa.

Ginawang halimbawa ni Panelo si Senador Sonny Angara na malimit banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya na kahit kaalyado ay pumupuna rin sa administrasyon.

“If you noticed du­ring the campaign, he keeps on saying about Senator Angara that “I like this man who keeps criticizing me and yet he has reasons, valid reasons for that,” dagdag pa ni Panelo.

Sa pagpasok ng mga bagong senador, sinabi ni Panelo na inaasa­han nilang gagawin ng mga ito ang inaakalang tama para sa bansa at kokontra kapag sa tingin nila ay kontra ito para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“They have to support the President when the agenda of the President is for the good of the people and they will have to oppose it if they feel in their conscience that it ran counter to the interest of the nation,” wika pa ni Panelo. (Aileen Taliping)