Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado marami pang pasabog sa pork `tongpats’

0 273

Ipagpapatuloy pa ng Senado ang pagdinig hinggil sa mga anomalya umano sa Department of Agriculture (DA) dahil may mga lumilitaw pang impormasyon kaugnay ng isyu sa `tongpats’ hindi lamang sa pork import kundi sa iba pang fisheries product.

“Ang tingin ko may bagong lumilitaw na kailangan ng 3rd hearing,” ayon kay Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

Malamang aniya na kapag nalaman ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ay bawiin ang pinirmahan nitong executive order na binawasan ang buwis sa pork importation.

SM food to go Banner Ad

“Baboy pa lang pinag-uusapan, pero `pag inungkat namin isda, manok pati crops matindi ito. Una sa lahat, sinong genius ang nakaisip gumawa nito, hahanapin namin ang sagot dun. Sinong magaling ang nag-convince sa Pangulo na pirmahan `yan. `Pag nalaman ito ng Pangulo babawiin niya `yan o hindi niya pipirmahan, mga gumapang nito matindi,” pahayag pa ni Sotto.

Lahad pa ni Sotto na mayroong mga tumatawag sa kanya subalit mahirap aniyang makinig sa sabi-sabi lamang kung kaya’t magpapatawag uli sila ng isa pang imbestigasyon.

“Di nakapagtatakang magbintang kami, ang importer ang laki na kinikita, tama rin ang bintang ng SINAG, pati AGAP, matindi ang tongpats. Ang kilo ng liempo sa importer 135 lang, ibebenta nila sa retail ng 300. Sa 135 meron na sila dun, bakit kailangan 300. Tapos andyan na tayo gusto n’yo pang ibaba ang tax nila. Sabihin gagawing 400MT ang ipapasok, sino kakain nun?” dagdag pa ni Sotto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.