Abante Tonite Interactive

Senado nagluksa sa pagpanaw ni ex-Senate President Angara

By
1,529

Nagluksa ang Senado sa pagpanaw ni dating Senate President Edgardo Angara nitong Linggo nang umaga sa edad na 83.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, hindi ma­tatawaran ang kapabilidad ng dating lider ng Senado (1993-1995) bilang mambabatas, abo­gado, banker, farmer, patron of the arts at educator na kanyang pinatunayan sa mga isinusulong na batas.

Inilarawan naman ni Senador Migz Zubiri si Angara sa posibleng isa sa best president ng bansa kung ito ay naging pangulo.

“Today is a sad day for the Senate, his se­cond home, and for the Filipino people whom he served so well till his dying breath. We lost a great man, a visionary, an indefatigable worker, esteemed public servant, deep thinker, one of the Philippines’ most brilliant minds, a dear friend. Ed, may you rest in peace,” ayon naman kay Senador Loren Legarda.

Nakidalamhati din si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pag­yao ni Angara na itinutu­ring niyang tunay na lider na nagsusulong ng reporma sa bansa.

Ayon naman kay Pre­sidential Spokesperson Harry Roque, ang pangalan ni Angara ay nakaukit na sa kasaysayan ng politika dahil sa naging kontribusyon nito sa bansa.

Ipinabatid naman ni Senador Sonny Angara na ang public viewing ng labi ng kanyang ama ay gagawin sa chapel 6-9 ng Heritage Memorial Park sa Taguig City simula alas-dos nang hapon ngayon, Mayo 14.