Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado nasilip `sagot for sale’ sa DepEd module

0 196

Ibinunyag ni Senador Sherwin Gatchalian na kanilang nabisto na pinagkakakitaan umano ang distance learning ngayong mayroong pandemya sa COVID-19.

Sinabi ito ni Gatchalian sa isang panayam sa kanya kung saan natanong ang senador hinggil sa assessment report ng Department of Education sa distance learning.

Binanggit ni Gatchalian ang isyu sa `sagot for sale’ sa module kung saan nagbabayad na lang ang isang magulang para sagutan ang gawain ng kanyang anak.

“Meron nga kaming na-detect na tinatawag kong ‘sagot for sale.’ Alam naman natin `yong mga kababayan natin napakagaling magnegosyo, ‘ah puwede kang magbayad para sagutan `yong modules.’ So kung `yung mga magulang ay hindi masagot ang modules, `yong bata hindi masagot ang modules eh puwede nilang bayaran `yong kapitbahay nila o kung sino sa kanilang barangay na kayang sagutan `yong modules,” ani Gatchalian.

Sa ganitong sistema aniya ay kawawa ang bata dahil hindi matututo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.