Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado pagbibigyan si Digong sa pork import

0 323

Inihayag ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na walang pagpipilian ang Senado kundi bigyan ng pagkakataon ang Executive Order No. 128 na binawasan ang buwis sa imported pork at itinaas ang minimum access volume (MAV) para sa karneng baboy.

“First, the Senate has no choice since the reduced tariff rates and the increased in-quota [Minimum Access Volume] have already taken effect,” ani Lacson.

Sinabi ito ng senador matapos umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na pagbigyan ang EO 128 para matugunan ang problema sa suplay ng baboy sa pamilihan.

Pero giit ni Lacson, dapat sana nagkaroon man lang ng konsultasyon muna bago inilabas ang EO 128.

“Kung meron lang sanang nangyaring inter-departmental courtesy consultation, since EO 128 is a consequence of a delegated authority granted by Congress to the president anyway, we could have given our input based on our own consultations and research,” ani Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.