Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado: Pharmally kontrata ipakalkal sa COA

0 81

Iginiit ng mga senador na suspindehin ang pagbabayad sa mga biniling medical supply sa Pharmally Pharmaceutical Corporation at iparepaso ang sa Commission on Audit (COA) mga nakuha nitong kontrata sa gobyerno.

Ito’y kasunod na rin ng mga nakakalkal na iregularidad sa mga inorder na medical supply sa Pharmally katulad ng substandard face shield na dinoktor diumano ang expiry date.

Sabi ni Senador Sonny Angara, dapat suspindehin ng gobyerno ang pagbabayad sa Pharmally matapos umamin si Krizele Grace Mago, incorporator at regulatory affairs head ng kompanya, na pinabago niya ang production certificate ng mga face shield na mula sa 2020 ay ginawang 2021.

“Grounds na `yan for suspension or disqualification (ng Pharmally), dahil sa pag-amin ng testigo, which was under oath,” sabi ni Angara sa isang panayam sa radyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

panayam sa dzBB.

“Mabigat `yon, hindi talaga pwedeng pabayaan yung ganung klaseng impormasyon,” dagdag pa nito.

Sabi ni Angara, dapat pinag-aralan ng DOH (Department of Health) at ng Department of Budget and Management’s Procurement Service (DBM-PS) ng kanilang kontrata sa Pharmally at suspendihin hangga’t wala pang resulta ang imbestigasyon.

“`Yong Bids and Awards Committee dapat pag-aralan ng mabuti ito. Bakit pa natin ibibigay dito samantalang may admission na nagbigay sila ng substandard na kagamitan sa gobyerno,” ani Angara. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.