Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado pinabawi baboy importation, tapyas-buwis

0 187

Maaari umanong mabawi ang executive order na pansamantalang nagbababa sa taripa sa importasyon ng baboy sa pamamagitan ng joint resolution ng Kongreso, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Sabi ni Drilon, maghahain sila nina Senate Committee on Agriculture chair Senator Cynthia Villar at Senator Francis Pangilinan, ng joint resolusyon para i-revoke ang Executive Order 128 at magbigay ng akmang taripa at minimum access volume sa pork importation.

SM food to go Banner Ad

Aniya sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, na basehan ng kautusan, pinapayagan ang pangulo na magdagdag, magbawas o magtanggal ng existing rate sa import duty habang walang sesyon ng Kongreso.

Pero sabi ng senador, “However, Section 1608 (f) of RA 10863 provides that the power herein delegated to the President may be withdrawn or terminated by Congress through a joint resolution.”

Giniit ng senador na papatayinn ng kautusan ang lokal na industriya ng magbababoy. Aniya pa, ang agarang pagbaba sa taripa ng pork product ay magreresulta sa pagkawala ng bilyong pisong revenue ng gobyerno. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.