Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado pinatigil RFID sa DOTr

0 147

Hinikayat ng Senado ang Department of Transportation (DOTr) na agad suspendihin ang pagpapatupad ng cashless payment system sa mga tollway sa pamamagitan ng radio-frequency identification (RFID).

Pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na hinihimok ang DOTr para itigil ang implementasyon ng mandatory cashless toll payment scheme.

“We are all familiar with what’s currently happening—we’ve seen the photos on social media, we’ve heard the news on the radio,” pahayag ni Senador Grace Poe, chairperson ng Senate committee on public services, na siyang nagsulong ng resolusyon.

SM food to go Banner Ad

Dahil minadali ang pagpapatupad ng cashless toll system, sinabi ni Poe na naging parking lot na ang mga toll plaza sa mga expressway sa Luzon.

Noong Disyembre 1, ipinag-utos ng DOT rang buong implementasyon ng cashless toll collection sa layuning mabawasan ang physical contact, isang paraan laban sa pagkalat ng COVID-19.

Nanawagan din ang Senado sa DOTr na amiyendahan ang cashless toll payment scheme para mapaganda ang pagpapatupad nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.