Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado pipigain BOC sa baboy smuggling

0 307

Dahil sa pagkakaiba ng pork import figure ng Bureau of Customs (BOC) at ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa taong 2020, susubukan ng Senado na lutasin ang hinihinalang malawakang smuggling ng mga pork product gayundin ang African Swine Fever (ASF) na parehong nakaapekto sa mga magbababoy sa bansa.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, batay sa datos ng gobyerno, 30 milyong kilo ng baboy ang iligal na naipasok sa bansa noong 2020.

Sa datos ng BOC, may kabuuang 225 milyong kilo ng karne ng baboy na nagkakahalaga ng P16 bilyon ang inangkat noong 2020.

Ang BAI, na nagsasagawa ng meat inspection, ay iniulat naman na may pork import na mahigit sa 256 milyong kilo.

SM food to go Banner Ad

“Bakit magkaiba ang data ng Customs at ng BAI? Bakit mas mababa ang sa Customs? Nasaan napunta ang mga 30 million kilos ng imported na baboy? `Yan kaya ang dami ng imported na baboy na nakalusot sa Customs ng walang tax?” tanong ni Pangilinan.

“Kailangang ipaliwanag ‘yan dahil bilyong piso na ang nawala sa mga Pilipinong magbababoy dahil sa ASF, bilyon pa ang nawala sa tax na pwede sanang gamitin para makatulong sa kanila maka-recover,” dagdag nito.

Ayon pa Pangilinan, dapat tutukang mabuti ng BOC ang posibleng ‘misdeclaration’ o ‘misclassification’ ng pork shipment para makalusot sa pagbabayad ng tamang buwis sa pamamagitan ng pakikisabwatan ng mga smuggler sa mga opisyal ng BOC. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.