Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado: Proteksyon hirit ng mga bakuna manufacturer

0 41

Bibilisan ng Kongreso ang pagpasa ng isang batas para sa indemnification clause na hinihingi ng mga pharmaceutical company bago sila magdeliber ng bakuna laban sa COVID-19, ayon kay Senador Migz Zubiri.

“May papasok na sanang bakuna pero na-delay dahil sa indemnification clause. Ang indemnification po ay kung may nangyaring `di kanais-nais at nasaktan kapag nag-complain ang ating mga kababayan may ibabayad ang gobyerno na tulong sa pamilya so `yan po ang ating isasama sa panukala,” paliwanag ni Zubiri sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Sabi ni Zubiri, plano ni Senador Franklin Drilon na kunin ang pondo para sa indemnification clause mula sa contingency fund sa ilalim ng General Appropriations Act.

“Kung kailangan ng vaccine manufacturer ng isang panukala `yan na po. Time is of the essence, I believe kailangan na nila mag-deposit within February 25 or 26, ang problema `pag `di naipasa ang panukala by that time baka mawala ang allocation natin,” aniya pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binigyang-diin pa ni Zubiri na kailangan talaga ng batas dahil hindi makagalaw ang pagbili ng bakuna kung isang resolusyon o executive order lang ang gagawin.

May counterpart bill na rin aniya sa Kamara at kailangan na lamang maipasa ito sa lalong madaling panahon.

Subalit nilinaw ni Zubiri na magiging epektibo lamang ito para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.