Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado sa DBM: Turismo, agri ayuda ibigay na

0 152

Dismayado ang ilang senador sa mabagal na paglabas ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na gagamiting ayuda para sa iba’t ibang sektor na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ito’y matapos ihayag ng Department of Tourism (DOT) at Department of Agriculture (DA) sa budget hearing ng Senado na hanggang ngayon hindi pa rin nila natatanggap mula sa Department of Budget and Management (DBM) ang ayudang inilaan ng Kongreso sa ilalim ng Bayanihan 2 para sa sektor ng turismo at agrikultura.

Tinawag pa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na “deplorable” at “inexcusable” ang pag-antala sa paglalabas ng pondo gayong matagal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas.

“When we were crafting Bayanihan 2, we stayed within the budget ceiling imposed by the DOF (Department of Finance). So why are there no releases? Are the funds to back up the appropriations under Bayanihan 2 not available?” tanong ni Drilon.

Matatandaan na ipinasa ng Kongreso ang Bayanihan 2 noong Agosto 24 at pinirmahan ni Pangulong Duterte pagkalipas ng 18 araw.

SM food to go Banner Ad

Dismayado rin si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pagkaantala ng pondo na maaaring magresulta aniya ito sa “delay” sa economic recovery.

“Surely not only will it delay the assistance needed by families and businesses but will also delay economic recovery,” sabi ni Recto.

Posible aniyang palawigin pa nila ang Bayanihan 2 subalit kinontra naman ito ni Drilon.

“I will oppose any extension of Bayanihan 2. Note that this is an emergency measure granting the President extra powers which, under the Constitution, will expire upon the next adjournment of Congress on December 19. Any extension can be questioned as being contrary to the Constitution,” ayon kay Drilon.

Sabi pa ni Drilon, mapapaso na ang Bayanihan 2 sa Disyembre 19, 2020 at makalipas ang 12 araw ay magiging epektibo na ang 2021 General Appropriations Act kung kaya’t walang dahilan aniya para palawigin ang naunang batas at dapat ilabas na ng DBM ang pondo para sa mga ayuda. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.