Abante Tonite Interactive

Senado ‘standby’ pa rin sa brgy. at SK election postponement

By
13

Paglilinaw ni Senate Majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto na wala pa ring napagkasunduan ang mga senador kaugnay sa planong muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Sotto, mayroon man silang mga napag-usapan mga opsiyon sa kanilang pagpupulong noong nakaraang buwan, ito’y ilalahad pa umano ni Senate President Koko Pimentel kay Pangulong Duterte.

“Sa meeting namin noon may 3 to 4 options na pinag-usapan, sa mga options na ‘yun sa pagkaalam ko ilalahad ni SP Koko sa Pangulo at ibabalik sa amin kung ano ang napag-usapan nila kung ano ang dapat na puwedeng suportahan at kung ano ang puwede na­ming gawin,” ayon kay Sotto.