Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senado tinalupan raket sa pabahay

0 82

Nabunyag sa pagdinig ng Senado ang raket sa pabahay ng pamahalaan na ginagawa diumano ng mga mismong benepisyaryo nito.

Sa pagdinig ng Senate committee on urban, housing and resettlement, inirekomenda ni National Housing Authority (NHA) general manager Marcelino Escalada na palitan ang benepisyaryo ng subsidized housing project na nagpaparenta ng kanilang unit.

Sabi ni Escalada, pinakakansela niya ang award sa original na benepisaryo na kumikita mula sa renta ng subsidized housing program.

“Our housing project is only P250, P300, P500 per month and they are renting it out at P3,000 to P4,000 to other persons interested occupying,” pagbubunyag ng NHA chief.

Paliwanag pa ni Escalada, hindi nila basta mapalayas ang mga benepisaryo na hindi sumusunod o hindi nagbabayad para sa housing unit dahil labag ito sa NHA charter.

“According to the philosophy, the moment NHA evicts, it adds on to the other homelessness in the other side of the gap,” sabi ni Escalada.

Una rito, tinanong ni Senador Francis Tolentino, chairman ng komite ang NHA chief tungkol sa polisya ng gobyerno para sa mga benepisaryo na hindi inookupahan ang kanilang housing unit.

Iminungkahi ni Tolentino sa NHA na kapag nanatiling hindi naokupa ang housing unit sa loob ng tatlong taon, kahit na fully paid na ito, dapat ibigay na lang sa ibang benepisaryo at ibabalik na lang ang 30 o 40 porsiyento na bayad sa orihinal na recipient nito.

“If it is not occupied even though you consider this a public property, it deviates from the original purpose of benefitting the homeless, ‘yong urban poor na nangangailangan ng bahay,” sabi ni Tolentino.

“Baka naman may bumili, nag-invest lang, hinihintay `yong pagkakataon na ibenta,” dagdag ng senador.

Tinalakay sa komite ang tatlong panukala tungkol sa NHA na naglalayong palawigin ang corporate life ng ahensiya para maipagpatuloy ang programang pabahay ng gobyerno. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.