Abante Tonite Interactive

Senador alaskado sa dyinowang bold star

By
2,495

Sino daw itong mi­yembro ng Senado ang may nakakagimbal na na­­karaan tungkol sa na­ging karelasyon nito?

Natisod ng Tonite ang impormasyon na su­mawsaw din pala ang senador na ito sa buhay ng isang seksi at pil­yang aktres na minsang bumida sa pelikulang bold may ilang taon na ang nakaraan.

Nakilala ang aktres­ sa dami ng naging ka­relasyon at minsan pang ibinuking ng kaibigang komedyante na pumapatol sa mga one-night stand.

Sa kabila ng makulay na buhay pag-ibig ng aktres, hindi ito na­wawalan ng raket dahil na rin sa galing nito sa pagpapatawa at pagiging pala-kaibigan.

Ito namang senador, nakilala sa pagiging fa­mily man at bihirang mabalitaan na nali-link sa mga seksing babae lalo pa kaya sa aktres.

Ang madalas daw i­pakita ng senador ay ang mamahalin niyang sasakyan at iba pang libangan niya sa buhay.

Subalit isang araw, pumutok na lang ang balita na nakarelasyon pala nito ang dating bold star na lumagay na ngayon sa tahimik na buhay.

Inulan tuloy ito ng kantiyaw ng mga kaibigan, iba ay nagsasabi na marami palang kuya ang senador o yaong mga lalaking mas naunang tumikim sa bold star.

Clue: Ang senador na inalaska sa pagpatol sa dating bold star ay miyembro ng isang paksyon sa Senado. May letrang T sa kanyang pa­ngalan as in ‘Tol.