Abante Tonite Interactive

Senador ginamit sa raket

346

Walang kaalam-alam ang isang miyembro ng Upper House na ginagamit na pala ang kanyang pangalan sa isang raket.

Kuwento ng source ng Tonite, raket daw ng amuyong ng senador na magpasok ng Chinese sa offshore gaming operator sa Quezon City.

Malaki raw ang kinikita ng amuyong sa bawat pinapasok na Chinese sa POGO operator.

Hindi na raw nakapagtataka kung biglang naging madatung ngayon si amuyong.
Ang masaklap nito, mukhang hindi alam ng senador na ginagamit ang kanyang pangalan sa raket ng amuyong na ito.

Clue: Ang senador na ginamit ang pangalan sa raket ay madalas mangibang bansa.