Abante Tonite Interactive

Senador laging absent sa trabaho

499

Nasungkit ng isang miyembro ng Upper House ang ­numero unong puwesto ­bilang pinakamaraming absent sa ­trabaho.

Sa datos na ­nakuha ng Tonite, posibleng mapanatili ng senador ang titulong ito sa pagtatapos ng taong 2019.

Sobra raw kasing busy ng lawmaker na ito dahil sa daming commitment kaya’t madalas na hindi ito napagkikita sa kanyang tanggapan sa Senado.

Kung may sesyon naman, madalas nagpapa-check lang ito ng attendance matapos ang roll-call at kapag nakapag-present na ito, sasaglit sa kanyang opisina at pagkalipas ng ilang minuto ay aalis na naman ito.

Tuwang-tuwa naman ang mga staff nito ­dahil nakakapaglakwatsa sila o maagang makakalayas sa kanilang opisina. Sino siya?

Clue. Nangako na siyang magbabago pero ­napako lang dahil tuloy pa rin sa pag-absent. May letrang A ito sa kanyang buong pangalang as in laging “absent”.