Abante Tonite Interactive

Senador late na nga, hilig pang magpabida

By
0 364

Agaw-eksena ang isang mambabatas sa event ng kanilang Kapulungan nang magpabibo pa ito kahit na super late na sa naturang kaganapan.

Sa kuwento ni Mang Teban, late na nga raw si Mr. Solon ay nakuha pang bumangka at makipagkuwentuhan sa mga nakaabang sa labas ng silid kung saan ginaganap ang event.

Bagama’t sanay na ang lahat sa daldal at super pabibo attitude ni Mr. Elected Official ay nagulat ang lahat na sa halip na pumasok sa event venue at batiin ang bida ng kaganapan ay mas ninais nitong maki­pagtsismisan.

Dagdag pa nga ni Mang Teban, para raw hindi napapagod ang bibig ng ating bida dahil lahat na lamang ng tao sa event ay kanyang kinakausap at ibi­nibida ang sarili.

Hindi raw tuloy­ maiwasan na pag-isipan ang kanyang kasarian dahil sa sobrang daldal ng mambabatas na ito.

Ang ating bida ay may letrang M sa kanyang pangalan as in Mugs para sa kape. Kung mula sa Mataas o Mababang Kapulungan ay pag-isipan na lamang ninyo pero isa siya sa mga opisyal sa kanilang Chamber.