Abante Tonite Interactive

Senador mahilig sa sundot kulangot

531

Mahilig daw sa sundot kulangot ang isang miyembro ng Upper House.

Hindi ito ang native candy na mabenta sa mga turista sa Baguio City kundi galing sa ito sa ilong ng mambabatas.

Nakaugalian kasi ng senador na mangulangot kahit nasa loob siya ng conference room o session hall ng Senado.

May kalakihan kasi ang ilong ng senador kaya’t nililinis niya ito kahit na sa oras ng pagtatrabaho.

Ang classic nito, hilig din niyang makipagkamay sa mga taong nakakasalubong sa hallway kahit hindi pa nakakapaghugas ng kamay.

Iniiwasan na tuloy siya ng ibang taong nakakakilala sa kanyang mannerism dahil kahit hindi ka niya kamayan ay talsik naman ang laway nito kapag nagsalita.

Clue: Ang senador na mahilig sa sundot kulangot ay kilalang bigatin sa Senado. May let­rang L sa kanyang pangalan as in Laundry.