Abante Tonite Interactive

Senador may espiya sa kalabang kabaro

By
73

Tila naniniguro ang isang senador na hindi siya malulusutan at mauunahan ng anumang balita mula sa iba nitong kasama sa Mataas na Kapulungan lalo na sa kilalang kalaban nito.

Ito ay dahil sa palaging may espiya ang mambabatas sa bawat aktibidad ng kanyang kasamahan na hayagang kritiko nito.

Not once, not twice o not thrice kundi maraming pagkakataon na kasing nakikita ng mga mamamahayag ang mga ‘spy’ nito sa mga press briefing ng kanyang kalabang senador.

May isa pang pagkakataon na nagpanggap ding miyembro ng media ang espiya ni Mr. Senator at naglagay ng kanyang recorder kasama ang recorder ng mga legit media habang nagpi-presscon ang kalaban nitong mambabatas.

May pagkakataon pa na upang hindi mahalata ang ‘spying job’ ng mga tao ni Mr. Senator ay naki-selfie ito sa ilang po­pular na media perso­nality.

Sayang at mukhang hindi sinanay ni Mr. Senator ang kanyang mga tauhan sa intel works para sana hindi halata ang kanilang pag-espiya. Masyado kasing nao-obvious hindi lamang sa mga mediaman kundi mismong sa staff din ng kanyang kalabang mambabatas.

Para mas madali nyong hulaan, si Mr. Senator ay aktibo at talaga namang ‘passionate’ palagi sa kanyang mga trabaho na minsan ay hindi na namamala­yan na nauubos na nito ang oras ng buong Senado sa kanyang mga talumpati at pagtatanong sa mga pagdinig.