Abante Tonite Interactive

Senador nabuwisit sa kapalpakan ng gov’t official

624

Huling-huli sa camera ang isang opisyal ng gobyerno na ito na panay panay ang bulong sa ­senador na sponsor ng budget ng ahensiya kanyang pinamumunuan.

Sa budget deliberation sa Senado, kitang-kita ang pag-coach nito sa isang senador ng mga ­detalye matapos magtanong ang isa pang mambabatas tungkol sa budget ng kanyang kagawaran.

Marami kasing alingasngas na nadiskubre ang isang senador tungkol sa naturang ahensiya at ­nahihirapan ang sponsor ng budget na sumagot ­dahil hindi naman siya nabigyan ng kaukulang ­impormasyon bago pa magsimula ang deliberasyon.

May pagkakataong pang naiinis ang sponsor sa opisyal na ito ng gobyerno dahil kung hindi kulang ay mali-mali ang binibigay nitong datos sa naturang mambabatas.

Dahil sa ibinibigay na maling detalye, hindi ­naniwala ang mga mambabatas sa paliwanag ng sponsor kaya’t ipinagpaliban ang pagpasa ng budget ng naturang ahensiya. Sino siya?

Clue. Ang opisyal na ito na sablay mag-coach ay nabigyan ng puwesto sa gobyerno dahil sa lobby ng kanyang among sipsip sa administrasyon. May ­letrang D sa kanyang apelyido.