Abante Tonite Interactive

Senador naipit sa elevator

By
668

Sa gitna kasi ng balyahan, sikuhan, habulan at siksikan ng mga mamamahayag upang mahabol si Trillanes para sa kanyang mga pahayag noong Martes, ay naipit naman sa elevator ang nananahimik na mambabatas.

Bagama’t hindi naman nagkaroon ng anumang injury sa katawan ang senador ay hindi maiiwasang nag-alala ang kanyang security staff nang magmistulang palaman ng inipit na tinapay ang kanilang amo.

Abante Hiring – IT dep

Epekto nito, pinagbawalan na rin muna ang mga mamahayag na gamitin ang elevator na laan lamang sa mga senador, kanilang mga staff at mga bisita. Ito ay kahit sa oras na walang sakay na mam­babatas ang VIP elevator.

Clue: Ang senador na biktima ng kontrobersya kay Trillanes ay may S sa kanyang pangalan as in Single and ready to mingle.