Abante Tonite Interactive

Senador namamahiya ng staff

1,340

May kakaibang ugali daw itong isang miyembro ng Upper House kung saan pinapahiya niya ang kanyang staff habang nagpapainterbyu ito sa media.

Sa nasagap na tsismis ni Mang Teban, sa tuwing sumasalang sa ambush interview ang mambabatas na ito, madalas nagtatanong ito sa kanyang executive assistant o ‘di kaya sa miyembro ng kanyang legis team kapag nakakalimutan niya ang datos sa isang partikular na isyu.

Kapag hindi agad makasagot ang staff nito, kukunot ang noo ng kanyang among senador.

At kapag ang miyembro pa ng media ang magbibigay ng tinatanong niyang impormasyon, doon na nito pagagalitan ang kanyang staff at sasabihing “gawin mo kasi trabaho mo.”

Wala namang magawa ang pobreng staff kundi yumuko na lang sa ginawang pagpapahiya ng masu­ngit niyang among senador.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na namamahiya ng staff ay may letrang O sa kanyang apelyido as in ‘otap’ ang paborito niyang snacks.

Tonite – Wendys Inhouse Ad