Abante Tonite Interactive

Senador nang-iwan sa ere

By
528

Nangamote ang isang miyembro ng Upper House matapos na hindi sumipot sa isang pagdinig sa Senado ang kasamahan na siyang promotor ng ipinatawag na imbestigasyon.

Sa nakalap na impormasyon ng Tonite, ang senador daw ang naglista sa ilang resource person para makuha ang kanilang panig sa pagdinig.

Subalit sa aktuwal na hearing, absent si Mr. Lawmaker at kahit paulit-ulit na itong tinatawagan sa kanyang cellphone ay hindi man lang nagparamdam ang ating bida.

Marami tuloy ang nagkomento na baka nais magpahinga ni Mr. Lawmaker dahil siya ay naka-session break.

Clue: Madaling hulaan ang ating bida dahil ang kanyang pangalan ay mayroong letrang D sa kanyang apelyido as in Dambuhala.